Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang partnership ng Cerberus Capital Management at ng HD Hyundai Shipbuilding and Offshore Engineering sa Palasyo ng Malacañang.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang investment ng Hyundai ay inaasahang magdadala ng libo-libong trabaho at oportunidad para maibalik ang maritime manufacturing sa Subic Freeport na sentro ng industrial, commercial, at iba pang economic activities.
Nabatid na nakuha ng Cerberus Capital Management ang Subic Shipyard noong 2022, matapos ma-bankrupt ang Hanjin at nag-invest ng $40 milyon upang muling gawing operational ang shipyard.
Ang HD Hyundai na kilalang pinakamalaking producer ng mga barko sa buong mundo, ay nagpahayag ng interes na gamitin ang dalawang drydock sa Subic para sa paggawa ng mga barko.
Umaasa rin si Pangulong Marcos na sa tulong ng HD Hyundai ay makapagsisimula muli ang Pilipinas sa bagong era ng shipbuilding sa bansa at maging pinakamalalaki at pinaka-maimpluwensiyang shipbuilder sa buong mundo.