Partnership ng JICA at BOC para sa modernisasyon nito ng Customs, kasado na

Suportado ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang pagpapatupad ng mga ongoing at future modernization projects Bureau of Customs (BOC).

Sa isang pulong ay malugod na tinanggap ng pamunuan ng Customs si Katsu Shigeaki ng JICA.

Dito sinabi ni Shigeaki ang kahandaan ng JICA na suportahan ang ahensya sa pagpapatupad ng mga programa nito at inisyatiba.


Ayon sa BOC, inaasahan nila ang maibibigay na strategic technical assistance at capacity-building support nito para mas mapagbuti pa ang customs processes at good governance ng ahensya.

Sa pamamagitan din ng partnership ay magkakaroon ng pro-active sharing ng kanilang best practices.

Mas magagabayan din ng JICA ang BOC na mas maging katiwa-tiwala, gayundin ang re-establishment ng kinakailangang Customs laboratory.

Facebook Comments