Partnership sa Industry Bodies pinalakas ng TESDA para mas patibayin ang Tech Voc Training

Pinalawak ng Technical Education and Skills Development Authority ang opurtunidad para sa mga Industry Bodies na lumahok sa pagbuo at pagpapatupad ng Technical-Vocational Education and Training (TVET) ng ahensiya upang matugunan ang pangangailangan ng mga industriya.

Ito’y pinatunayan sa inilunsad na Recognition of Industry Bodies Program na dinaluhan ng 25 sectoral leaders mula sa ilang industriya gaya ng Agribusiness, Construction, Automotive and Transportation, Health and Wellness, Tourism, Wholesale and Retail, at iba.

Layunin ng programa ng RIBS na bumuo ng epektibo at maayos na kasunduan sa industry boards para tumulong sa pagbuo at implementasyon ng skills training, hikayatin na lumahok ang kapwa manggagawa at employers, sa assessment, at sa certification.


Ang Industry Bodies ng mga kinilalang industry sectors naman ang magbibigay ng payo sa TESDA sa paglikha at sa implementasyon ng mga skills develoment schemes na maghahatid ng dekalidad na pagsasanay.

Ang ahensiya ay matagal nang nakikipag-partner sa mga industry bodies bago pa man, nabuo ang pormal na pagtutulungang ito.

Facebook Comments