Selyado na ang kasunduan sa pagitan ng Department of Education (DepEd) San Juan at DZXL Radyo Trabaho matapos na lagdaan ng dalawang partido ang Memorandum of Agreement (MOA) kanina.
Sa kanyang welcome address, nagpahayag si DZXL Station Manager Buddy Oberas ng kasiyahan sa kaganapang ito, sabay diin na ito ang paraan kung paanong maghatid ng serbisyo publiko ang Radyo Trabaho at ang RMN Networks
Samantala, magandang pagkakataon ito hindi lamang sa mga mag-aaral ng San Juan City ayon kay San Juan City School Division Superintendent Dr. Cecile Carandang.
Aniya, maging ang iba pang mga mag-aaral na walang sapat na kakayanan para sa online learning ay magkakaroon din ng tsansa na makasunod sa mga aralin sa pamamagitan ng DZXL Radyo Trabaho lalo pa’t hindi lamang San Juan City ang naaabot ng signal ng Radyo Trabaho.
Mapapakinggan ang programa ng DepEd dalawang Sabado ng bawat buwan alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.