PARTY DRUGS | P1 milyong halaga ng cocaine at ecstasy, nakumpiska

Manila, Philippines – Arestado ang apat na katao sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District sa timog Avenue, Quezon City.

Kita sa CCTV kung paano tatanggapin ng mga suspek na sakay ng puting sasakyan ang marked money mula sa nagpanggap ng buyer na miyembro ng QCPD.

Kinilala ang mga suspek na sina Sarah Sibayan, Dianne Estrella, Michael Carag, at Niña Recio.


Narekober sa mga ito ang 32 grams ng cocaine, dalawang daang tablet at liquid ecstacy na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Nabatid na ang isa sa mga nahuling suspek na si Niña Recio ay asawa ng dating US Airforce na si Raul Cisneros na nahuli din sa buy-bust dahil sa pagbebenta ng party drugs noong Setyempre 2017.

Hinala ng mga otoridad, si Recio ang nagpapatuloy ng kanilang iligal na negosyo ngunit itinanggi naman niya ang akusasyon.
Samantala, nahaharap ang mga suspek sa kasong comprehensive dangerous drug act at inaalam na rin ng mga otoridad kung sino ang sinusuplayan ng mga ito.

Facebook Comments