Party-list Coalition Foundation Inc. o PCFI sa Kamara, naglabas ng Manifesto of Support para kay House Speaker Dy

Tiniyak ng mga miyembro ng Party-list Coalition Foundation Inc. o PCFI sa Kamara ang pagpapatuloy ng kanilang hindi matatawarang supora para kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Sa Manifesto of Support na inilabas ng mga miyembro ng PCFI ay binigyang-diin ang kahalagahan ng unifying leadership sa House of Representatives na syang ginagampanan ni Dy.

Pinuri ng PCFI ang pagsisikap ni Dy na maisulong ang dayalog, mapahupa ang tensyon, at magpatupad ng tunay na kolaborasyon sa mga kongresista lalo na sa gitna ng mga maiinit na isyu sa poltika.

Diin ng PCFI, patuloy silang nagtitiwala sa kakayahan ni Dy na gabayan ang Kamara sa isang patas at transparent na paraan ngayong humarap ang bansa sa maraming pagsubok.

Nananalig ang PCFI na sa ilalim ng pamumuno ni Dy ay mananatiling nakatutok ang legislative agenda sa repormang mgpapaangat sa mga komunidad, magbibigay proteksyon sa demokratikong proseso, at prayoridad ang kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.

Facebook Comments