Manila, Philippines – Dalawang kandidato sa pagka-house speaker ang pinagpipilian ngayon ng 54-member party-list coalition.
Ito ay kasunod ng anunsyo ni Davao City Representative Paolo Duterte na ikinukunsidera niyang tumakbo bilang lider ng Kamara.
Pero tumanggi muna si Ako Bicol Party-list representative Alfredo Garbin na pangalangan ang dalawang kandidato.
Sinabi ni Garbin – pwedeng magbago ang kanilang iboboto lalo na at posibleng madagdagan ang mga kumakandidato sa posisyon.
Para sa mambabatas, kahit wala pang experience si Pulong sa legislative work ay hindi nangangahulugang hindi na kwalipikado para sa speakership.
Nakatakdang pagbotohan sa July 22 ang susunod na house speaker kasabay ng pormal na pagbubukas ng 18th Congress at ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.