Sa halos 96% ng nabilang na boto, ika-74, na may 0.44%, ang AA Kasosyo Party ng blogger at dating Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Si Uson ang first nominee ng nasabing partido, na may layunin umanong tulungan ang mga Pilipino, partikular ang mga overseas FIlipino worker (OFWs), na maging matagumpay na negosyante.
Matatandaang nagresign noong nakaraang taon si Uson kaugnay ng sunud-sunod na kontrobersiyang kinaharap ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Samantala, nangunguna pa rin ang ACT-CIS o Anti-Crime and Terrorism Through Community Involvement and Support, partido ng media personality na si Erwin Tulfo, na sinusundan ng makakaliwang grupo, Bayan Muna.
Facebook Comments