Partylist Coalition sa Kamara, pumalag na sa pagkaka-alis sa kanilang kinatawan sa House leadership

Naglabas ng pahayag ang mga miyembro ng Partylist Coalition sa Kamara kaugnay sa pagkakatanggal sa kanilang Presidente na si 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero bilang Deputy Speaker.

Kasabay rin nito ang paggiit ng mga Partylist Congressmen na maging physically present sa plenaryo ng Kamara.

Giit ng Partylist Coalition, ang pagkakaroon ng representasyon ng mga Partylist ay bahagi ng pagbalanse at pagkakapantay-pantay sa mga marginalized sector na kanilang kinakatawan sa Kamara.


Dismayado ang mga Partylist solons dahil ang binawing posisyon kay Romero ay hindi lamang sa iisang kongresista kundi pag-alis sa buong Partylist bloc.

Naniniwala ang mga myembro ng Partylist Coalition na hindi makatwiran ang pagtanggal kay Romero na Deputy Speaker dahil wala namang botohang naganap para alisin ito sa pwesto.

Iginigiit din ng mga ito ang kanilang karapatan na dumalo ng personal sa sesyon sa plenaryo upang maaksyunan nila ang anumang balak na pagmamani-obra sa Mababang Kapulungan.

Nalilimita umano ang kanilang galaw dahil nakakalahok lamang sila sa mga nagaganap sa plenaryo “virtually” sa pamamagitan ng mga Zoom meetings/hearings.

Facebook Comments