Partylist Coalition, walang nabuong consensus para sa usapin ng speakership

 

Bigo ang Partylist Coalition Foundation Inc. na makabuo ng desisyon para sa isyu ng Speakership matapos ang kanilang general assembly.

 

Ayon kay Ako-Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, wala pang napagkakasunduan ang 54-member ng bloc sa kung sino ang kanilang manok bilang speaker sa 18th Congress.

 

Bagkus ay nilinaw lamang kagabi kung bakit pumirma si PCFI President Rep. Mikee Romero sa manifesto of support pabor kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang speaker.


 

Sinabi ni Garbin, lumagda si Romero sa manifesto upang hadlangan ang panukalang term sharing sa pagitan ng mga speaker aspirants.

 

Sa huli, giit ni Garbin, magpupulong muli ang partylist bloc sa Hulyo 2 upang bigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na wala sa meeting kagabi kasabay ng pagtitiyak na bloc vote ang kanilang ipaiiral sa botohan sa pagka-speaker.

Facebook Comments