Manila, Philippines – Kinalampag ang Korte Suprema ng partylist group na diniskwalipika ng Commission on Elections sa halalan sa Mayo.
Iginiit ng Manggagawa partylist na nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ ang COMELEC nang hindi isama ng polly body ang kanilang grupo sa opisyal na listahan ng mga kandidato.
Kaugnay nito, naghain din sila ng petisyon sa Korte Suprema na himihiling ng pagpapalabas ng preliminary injunction at temporary restraining order para utusan ang COMELEC na ibalik sila bilang lehitimong partylist organization.
Ang Manggagawa partylist ay konektado sa grupong Kilusang Mayo Uno, Migrante at KADAMAY.
Facebook Comments