PARURUSAHAN | Economic sabotage, isasampa sa mga mahuhuling gumagawa ng rice hoarding

Manila, Philippines – Aarestuhin at kakasuhan ang mga negosyanteng mahuhuling nagtatago o nagho-hoard ng bigas sa mga bodega.

Ito ang babala ni National Food Authority (NFA) Council Chairman at Cabinet Secretary Leoncio Jun Evasco sa mga local rice traders dahil mayroong napapansin ang NFA council na mayroong hoarding ng bigas na isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Evasco, kakasuhan ng economic sabotage ang mga negosyanteng mapatutunayang nagtatago ng bigas o rice hoarding.


Kaya naman inatasan ni Evasco ang mga opisyal ng NFA na bantayang mabuti ang mga bodega ng mga private rice traders upang mahuli kung sino ang mga nagtatago ng bigas para maaresto at makasuhan.

Alam na rin aniya ni Pangulong Rodirgo Duterte na mayroong nangyayaring rice hoarding.
Una nang sinabi ni Evasco na mayroong 250,000 metriko toneladang bigas ang iiimport ng Pilipinas sa pamamagitan ng government to private importation at mayorya ng mga bigas ay manggagaling sa Vietnam at sa Thailand.

Facebook Comments