PARURUSAHAN | Mas mahigpit na parusa sa private contractors na made-delay ang pagtapos ng mga government project, ipatutupad ng DOTr

Manila, Philippines – Alinsunod sa mandato na ibinaba ni Pangulong Rodrigo Duterte, pabibigatin ngayon ng Department of Transportation ang parusa para sa mga contractors na mabibigong tapusin ang mga proyekto ng gobyerno sa itinakdang panahon.

Ayon kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, sa oras na bumagal ng 30 araw ang paggawa sa isang proyekto, magreresulta ito ng hindi pagbayad ng gobyerno sa contractor, cancellation of contract, blacklisting of contractor at ang pagpapasa sa ibang contractor upang matapos ang proyekto.

Ayon kay Tugade, hindi na nila hahayaang makibahagi sa mga proyekto ng gobyerno ang mga iresponsableng contractors dahil aniya, hindi lang naman delay ang magiging resulta nito, kung hindi ay mas mabigat na pahirap na daranasin ng publiko.


Facebook Comments