PARURUSAHAN | Mga driver at operator na lumahok sa tigil-pasada ng piston noong Mayo 2017, ginisa sa pagdinig ng LTFRB

Manila, Philippines – Nasabon sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepney operator at driver na nahuling lumahok sa tigil-pasada ng piston noong Mayo 2017.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, hindi basta-basta maaaring magamit ang pampasaherong jeep sa ibang paraan kung wala silang special permit mula sa ahensiya.

Aniya, kahit nirentahan ang ilang jeep para lumahok sa mga strike, dapat ay mag-apply muna para sila ng special permit lalo at hindi naman pinapayagan ang mga jeep na bumiyahe nang wala sa kanilang itinalagang ruta.


Nabatid na “submitted for resolution” na ang isyu ukol sa naturang tigil-pasada.

Sa kabuuan, nasa 14 drayber at operator na lumahok sa transport strike ang ipinatawag ng LTFRB para sa posibleng suspension o cancellation ng kanilang prankisa.

Facebook Comments