PARUSA | Garbage collector, sinibak dahil sa catcalling ordinance

Quezon City – Naging mapait at mahirap ang pagkatuto ng isang garbage collector sa seryosong nilalaman ng anti – catcalling ordinance sa Quezon City o ang pagpaparusa sa alinmang uri ng sexual harassment sa publiko .

Ito ay matapos na sibakin siya ng kaniyang among contractor dahil sa reklamo ng isang babaeng estudyante na kaniyang binastos habang nag aabang ito ng masasakyan sa Barangay Bagumbuhay in Project 4.

Isang nagpakilalang Sandy ang nag post ng reklamo sa sa social media page ng Quezon City Public Affairs Department (PAISO).


Sa reklamo ni Sandy, nakatayo siya sa kanto ng Kalantiyaw Street at naghihintay ng masasakyan nang dumaan ang isang dilaw na garbage truck na may body number 15. Kasunod nito ang palero na pagkakita sa kaniyang dumaan ay sumigaw ito ng : “Idol, ang ganda mo. I love you.”

Nilingon siya ni Sandy at sinabihan ng “bastos” ngunit ngumiti lamang ang garbage collector.

Agad kumilos ang PAISO para ipaimbestiga ito sa Environmental Protection and Waste Management Department Garbage Collection Section na nagsumbong din sa OMNI Hauling Services Inc., na nagresulta sa pagkakatukoy sa garbage collector.

Bagamat pinagalitan na ng Quezon City Environmental Protection and Waste Management Department, ang garbage collector o “palero” ,nagdesisyon ang management ng OMNI Hauling Services Inc.na tanggalin sa trabaho ang hindi na pinangalanang garbage collector.

Dahil dito, nagpasiya ang hauling contractor na bigyan na ng crash course ang iba pang garbage collection teams tungkol sa probisyon ng anti-catcalling ordinance.

Facebook Comments