India – Pinaghubad ang ilang estudyante ng girls school sa Arunachal Pradesh.
Ito ay bilang parusa sa kanilang pagpapakalat ng papel na may relasyon umano ang kanilang lalaking principal at isa nilang babaeng guro.
Agad isinumbong ng student union ng eskwelahan ang nangyari sa pulis.
Sa reklamo ng student union, 88 mag-aaral ang pinaghubad pero sa ulat ng pulisya ay 14 lamang ang pinarusahan.
Ayon sa president ng student union na si Teli Runghi – wala pang inaaresto ang pulisya hanggang sa ngayon.
Nais nilang panagutin ang mga gurong pinuwersa ang mga estudyante na maghubad.
Facebook Comments