Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipapataw lamang ang sanctions laban kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na “missing in action” nang manalasa ang Bagyong Ulysses kapag natapos ang assessment sa kanilang opisyal na paliwanag.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, dapat nilang malaman ang dahilan ng alkalde kung bakit siya wala sa kaniyang lungsod nang tumama ang bagyo.
Kailangan ding ma-assess ang dahilan ni Soriano bago maglabas ng desisyon.
Muli ring iginiit ni Año na dapat manatiling present ang mga local chief executives sa kanilang nasasakupan kapag may kalamidad.
Una nang humingi ng patawad si Soriano dahil sa pagiging “no show” sa kaniyang hometown.
Facebook Comments