Parusa, naghihintay sa mga lalabag sa price freeze – DA

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mahigpit nilang babantayan ang mga pamilihan matapos ipatupad ng price freeze sa Luzon na nasa ilalim ng state of calamity.

Ayon kay Agriculture Seceretary William Dar, malaki ang maitutulong ng deklarasyon ng state of calamity dahil mapapanatili ang Suggested Retail Price (SRP) sa agricultural products.

Hinimok ni Dar ang Bantay Presyo Task Force na tiyaking sumusunod sa SRP ang mga palengket at iba pang pamilihan.


Babala sa mga kalihim sa mga susuway sa price freeze na ang batas ang kanilang makakalaban.

Matatandaang inilunsad ng DA ang Kadiwa ni Ani at Kita na layong makabili ng farm products direkta mula sa mga magsasaka sa abot-kayang presyo sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments