Parusa para sa mga local official na bumiyahe abroad sa kasagsagan ng kalamidad, ipinauubaya na ng Malacañang sa DILG

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang aksyon laban sa mga lokal na opisyal na bumiyahe sa ibang bansa sa kasagsagan ng kalamidad, sa kabila ng ipinalabas na travel ban para sa mga local chief executive.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, si DILG Secretary Jonvic Remulla ang may kapangyarihang magpasya kung anong hakbang ang nararapat laban sa mga opisyal na lumabag sa utos.

Hindi aniya agad na maituturing na may sala ang mga lokal na opisyal dahil kailangan munang suriin ang dahilan ng kanilang biyahe at kung nakaapekto ito sa kanilang tungkulin sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Pero giit ni Castro, inaasahan ang mga lokal na opisyal na manatili sa kanilang mga nasasakupan upang tumugon sa pangangailangan ng mga residente sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments