Parusa sa ad agency na mangongopya ng konsepto, iginiit ni Senator Binay

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay sa Department of Tourism o DOT na parusahan ang advertising and creative agencies na mangongopya ng konsepto ng advertisement.

Ang pahayag ni Senator Binay ay sa harap ng kontrobersyal na campaign ad ng Department of Tourism na umanoy may malaking pagkakahawig sa commercial na inilabas ng South Africa Tourism Board noong 2014.

Ayon kay Senator Binay, dapat nakapaloob sa kontratang isinasara ng DOT at mga attached agencies nito ang kaparusahan para sa hindi orihinal na konsepto ng mga promotional materials, tulad ng mga commercials.


Diin ni Senator Binay, mukhang hindi pa tayo natututo sa nangyari sa mga nakaraang pagkakataon kung naintriga din ang umanoy hindi original na mga logo, slogan, o design para sa tourism campaign ng Pilipinas.

Punto pa ni Senator Binay, pera ng taumbayan ang ginagastos ng DOT para bayaran ang mga ad companies kaya dapat lang na magkaroon ang mga ito ng pananagutan.

“We should start penalizing ad agencies for giving our departments, especially the DOT, ripped off creative handles or not-so-original work. It compromises the integrity of the government agency, as well as the ad agency itself,” giit ni Senator Binay.
DZXL558

Facebook Comments