Parusa sa grupo ni Supt. Marvin Marcos, ipapataw sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Ipapataw na ng PNP sa susunod na linggo ang parusa sa grupo ni Supt. Marvin Marcos.

Ito’y kung ibabasura ng DPRM o Directorate for Personnel and Records Management ang motion for reconsideration na inihain nina Marcos para sa kanilang kasong administratibo.

Ayon kay DPRM Chief Pol. Director Rene Aspera, Marso pa inilabas ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang mga parusa para kay Marcos at sa grupo nito.


Pero hindi agad naibaba ang hatol dahil umapela pa ang mga akusado.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa anya ng mga abugado ng PNP ang mosyon nina Marcos.

Matatandang nahaharap sa parusa ang grupo ni Marcos makaraang mapatunayan ng PNP IAS o Internal Affairs Service na nagsabwatan ang ilang dating miyembro ng CIDG region 8 para patayin si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Facebook Comments