Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang hatol na pagkakakulong ng korte sa Kuwait laban sa pumaslang sa Pinay domestic helper na si Jullebee Ranara.
Tiwala si Speaker Romualdez na maghahatid ito ng positibong mensahe sa Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Romualdez, ang brutal na krimen kay Ranara ay naghatid ng malaking takot sa mga Pilipinong manggagawa sa ibayong-dagat.
Kaya naman, umaasa si Romualdez na ang pagparusa sa pumatay kay Ranara ay nagpalubag sa kalooban ng mga OFWs na ang tanging hangad lang ay magkaroon ng disenteng trabaho para sa kanilang pamilya.
Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa mga opisyal ng mga ahensya ng gobyerno na tumutok sa kaso ni Ranara tulad ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, at Overseas Workers Welfare Administration.