PARUSAHAN | Mga suspek sa pagpatay sa OFW na si Joanna Demafelis, nahuli na – parusang katumbas na dinanas ni Joanna, hiling ng pamilya na ipataw sa mga suspek

Manila, Philippines – Umapela ang pamilya ng pinatay na OFW na si Joanna Demafelis na parusahan katumbas ng dinanas ng Pinay ang ipataw sa mag-asawang suspek na kanyang amo sa Kuwait.

Nabatid na naaresto na ang mga suspek na sina *Mona Hassoun*, isang Syrian at *Nader Essam Assaf*, isang Lebanese national.

Ililibing sa Marso a-tres ang mga labi ni Demafelis.


Samantala, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NBI na ipatawag ang recruiter ni Demafelis.

Facebook Comments