PARUSAHAN | Pamilya Demafelis, bitay ang sigaw para sa pumatay kay Joanna

Manila, Philippines – Humiling ang pamilya ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis sa Kuwait na patawan ng parusang bitay ang nahuling suspek sa pagpatay sa kanilang kaanak.

Ayon kay Barangay Kagawad Pablo Demafelis, tiyuhin ni Joanna gusto nilang bitayin sa harap ng publiko ang amo ni Joanna na naaresto ng interpol sa lebanon na si Nadder Essam Assaf.

Sabi pa ni Pablo, magkahalong emosyon ang nararamdaman nila ngayon kung saan nagagalak sila sa pagkaka-aresto kay Assaf pero mas nangingibabaw pa rin ang galit sa kanila.


Nagpapasalamat naman ang pamilya Demafelis sa mabilis na pagkakahuli sa suspek at sana aniya ay matunton na rin ang among babae ni Joanna.

Facebook Comments