Parusang ibibigay sa mga employer na magpapatupad ng “no vaccine, no work” policy, tiniyak na DOLE

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang parusang kakaharapin ng mga employer na magkakaroon ng diskriminasyon sa mga empleyado nitong hindi pa nababakunahan.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang porma ng diskriminasyon at ang mga ulat na “no vaccine, no work” policy.

Ibinabala naman ni Benavidez ang posibleng pagpapataw sa mga ito ng illegal suspension o illegal termination.


Samantala, tiniyak ng DOLE sa publiko na nag-isyu na sila ng kalatas na libre ang COVID-19 vaccines sa mga empleyado.

Facebook Comments