Inilatag ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga parusang kakaharapin ng mga indibidwal na sangkot sa pagrereseta ng hindi rehistradong bakuna kontra COVID-19 sa publiko.
Kasunod ito ng ulat na nakatanggap na ng dalawang doses ng “bootleg” Sinopharm COVID-19 vaccine si San Juan Representative Ronaldo Zamora noong Disyembre, 2020.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kasama sa mga posibleng sangkot ang mga doktor at medical workers, maging ang mga importers at sellers na may partisipasyon sa iligal na gawain.
Nabatid na nitong Hunyo ay nakatanggap ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinopharm para iturok sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Tiniyak naman ni Domingo ang mga kasong isasampa sa mga nagpaturok na ng bakuna ng Sinopharm sa mga panahong wala pa itong EUA mula sa FDA.