Pinabubuhay ni Leyte Rep. Richard Gomez ang parusang kamatayan para sa mga drug traffickers.
Naniniwala ang kongresista na para mapuksa ang iligal na droga ay dapat mabigat na parusa rin ang ipataw sa mga drug traffickers kung saan maging ang mga dayuhang masasangkot sa iligal na droga ay wala ring ligtas sa parusa.
Isusulong din ng kongresista na amyendahan ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa probisyon ng plea bargaining agreement.
Nais niyang alisin ang plea bargaining agreement dahil tila nababalewala ang paghihirap ng mga pulis sa panghuhuli sa mga sangkot sa iligal na droga.
Hinikayat din ng kongresista ang mga Local Government Units na sa lebel pa lang nila ay paigtingin ang paglaban sa iligal na droga.