Parusang kamatayan, nararapat nang ibalik muli – VACC President Evangelista

Manila, Philippines – Naniniwala si VACC President Boy Evangelista na napapanahon na upang ibalik ang death penalty para mabawasan ang karumadal na krimen sa bansa dulot ng paggamit ng mga iligal na droga.

Ayon kay Evangelista, sang-ayon siya sa mungkahi ng maraming grupo na dapat maibalik na ang parusang bitay at ang mga mahuhuling suspek sa pagpaslang sa pamilya Carlos ay dapat umanong unang masampulan ng death penalty.

Paliwanag ni Evagelista, kung maibabalik lamang ang parusang bitay sa bansa, malamang umano ay marami na ang matatakot na gumawa ng mga karumal-dumal na krimen.


Giit ni Evagelista sa lahat ng mga tumututol sa parusang bitay dapat umanong maranasan at maramdaman din nila kung gaano kasakit at hirap ang mawalan ng buong pamilya katulad ng nangyari sa pamilya ni Dexter Carlos Sr. kung saan ang buong mag-ina niya ay minasaker sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Facebook Comments