Pasabog ni ex-Cong. Zaldy Co laban kina PBBM at Cong. Martin Romualdez, ayaw munang patulan ng ICI

Tumanggi muna ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na patulan ang pasabog ni dating Cong. Zaldy Co laban kina Pangulong Bongbong Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.

Kabilang dito ang ibinunyag ni Co na si PBBM daw ang nag-utos ng ₱100 billion insertions sa national budget.

Sinabi ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka na pag-aaralan muna ng Komisyon ang video na inilabas ni Co bago maglabas ng statement ang ICI.

Hindi rin sinagot ni Hosaka ang katanungan hinggil sa kung maaapektuhan ba ng pasabog ni Co ang imbestigasyon ng ICI laban sa mga katiwalian sa pamahalaan.

Tumanggi rin si Hosaka na sagutin ang katanungan kung aabot ba kay Pangulong BBM ang imbestigasyon ng Komisyon.

Facebook Comments