Pasada ng mga Transport Network Vehicle Service, lilimitahan ng LTFRB

Manila, Philippines – Balak limitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pasada ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, posibleng bigyan ng minimum hours ang biyahe ng Grab at Uber.

Aniya, maraming part-time drivers sa grab at uber kaya sayang ang ibibigay na prangkisa kung limang oras kada linggo sila magmamaneho.


Dagdag pa ni Lizada – pinag-aaralan pa nila na bigyan ng prangkisa ang Grab at Uber.

Dapat din aniya na palawigin ang accreditation ng mga TNVS.

Umaasa ang LTFRB na ma-reresolba ang mga motion for reconsideration ng TNVS sa Agosto.

Facebook Comments