Manila, Philippines – Mabilis na nakapasasa ikalawang pagbasa ang ika-apat na bahagi ng Comprehensive Tax Reform program (CTRP) ng Duterte administration.
Sa viva vice voting, nakalusot sa 2nd reading ang House Bill 8645 o Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act of 2019. Layunin nitong gawing simple at patas ang sistema ng pagbubuwis.
Samantala, aayusin ng panukala ang 80 financial tax rates para 41 na lamang ito at ipapawalang saysay ang maraming ‘’special laws’’ na naggagawad ng special rate at exemptions.
Isinasaayos din nito ang buwis na ipinapataw ng mga financial intermediaries tulad ng mga serbisyo na savings, investments, debt at equity instruments.
Papatawan naman ng unified income tax ang mga interes, dibidendo at capital gains habang 2% naman ang ipapataw sa mga pre-need, pension at life insurance.
Paliwanag naman dito ng House Ways and Means Committee, makikinabang dito ang mahihirap at middle class dahil ang buwis sa savings ay bababa sa 15% mula sa kasalukuyang 20%.