PASADO | Lifetime cellphone number act, lusot na sa bicam

Manila, Philippines – Nakalusot na sa bicameral conference committee ang lifetime cellphone number act o panukalang magpapahintulot sa sinuman na gamitin ang kanilang cellphone number ng habambuhay.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, nakapaloob sa panukala na hindi na kailangang palitan ang iyong cellphone number kahit magpalit ka ng service providers o magpalipat lipat ng telecommunications company.

Umaasa si Gatchalian, na daan ang panukala para mas maging mahusay ang kompetisyon sa pagitan ng mga telcos sa layuning mapanatili nila ang kanilang mga subscribers.


Naniniwala si Gatchalian, na makakatulong din ang panukala para madaling makahikayat ng subcribers ang ikatlong telco.

Ayon kay Gatchalian, mayroong anim na buwan ang national telecommunications commission o NTC para bumalangkas ng implementing rules and regulations.
Kapag naisabatas, ang Telco na hindi susunod ay papatawan ng multa na hanggang 40-milyong piso o pagbawi sa kanilang prangkisa.

Facebook Comments