Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pag basa ang House Bill 7392 na layong i-institutionalize ang Alternative Learning System (ALS) para sa basic education.
Layunin ng panukala na bigyan ng pantay na karapatan na makapag-aral at makapagkatapos ang mga Pilipinong may limitado at walang access sa edukasyon.
Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng non-formal at informal education lalo na sa mga hindi na matatanggap sa formal basic education.
Sakop ng panukala ang lahat ng out of school children, mga kabataan at matatanda, mga taong may kapansanan, indigenous people, at iba pang marginalized sector na may limitado at walang access sa formal schools lalo na ang mga nakatira sa malalayong probinsya gayundin sa mga lugar na may armed conflict.
Maglalagay din ang ALS institute ng mobile teacher program sa mga far-flung areas, sa mga hindi na seserbisyuhang lugar at sa mga lugar na apektado ng giyera.