PASADO NA | Malacañang, nagpasalamat sa Senado sa pag-apruba ng universal healthcare bill

Manila, Philippines – Pinasalamatan ng Malacañang ang Senado sa pagpasa sa pinal na pagbasa ang Universal Healthcare Bill.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – sa pamamagitan ng panukalang batas ay maihahatid na ang abot-kaya at magandang kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.

Nitong Miyerkules, October 10 ay sinertipikahang urgent ng Pangulo ang panukalang batas.


Facebook Comments