PASADO NA | Pagtataas sa political expenditures ng mga kandidato sa bawat botante, aprubado sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa pagtataas ng gastos ng mga kandidato sa kada botante.

Nakalusot ang House Bill 7295 sa botong 179 Yes at 0 na No na nag-a-amyenda sa Republic Act 7166 o ang Synchronized National and Local elections and Electoral Reforms Act .

Sa dating gastos na P10 kada botante gagawin na itong P50 para sa tumatakbo sa pagka Presidente at P40 para sa Bise Presidente.


Para naman sa mga tumatakbo sa pagka senador, district congressmen, governor, vice governor, board member, mayor, vice mayor at councilor, mula sa P3 kada botante na gastos ay tataasan n ito sa P30 sa kada botante.

Ang mga Partylist groups ay papayagang gumastos ng P10 bawat botante habang sa mga political party mula sa P5 ay papayagan silang gumastos ng P30.

Samantala, ang mga political party o independent ay maaaring gumastos ng P40 bawat botante.

Facebook Comments