Manila, Philippines – Lusot na sa bicameral Conference Committee ang work safety and health standards bill para sa kaligtasan at kalusugan ng mga mangagawa.
Ayon kay Committee on Labor Chairman Senador Joel Villanueva, aamyendahan nito ang 41-taong gulang ng Labor Code of the Philippines.
Tugon niya ang panukala sa pangangailangan na protektahan ang mga manggagawa laban sa panganib sa mga lugar ng pinagta-trabahuan.
Sa bicam, ay sinang-ayunan ng mga Kongresista ang bersyon ng Senado na magpapataw ng multang P100,000 para sa bawat araw ng di pag-wawasto sa paglabag sa occupational safety and health standards.
sa ngayon kasi ay walang parusang ipinapataw sa mga employer na hindi nagpapatupad ng occupational safety and health standards para sa kanilang mga empleyado.