PASADO | Pagtatalaga kay Usec. Bernadette Romulo-Puyat bilang bagong DOT Secretary, umani ng suporta sa mga Senador

Manila, Philippines – Pasado sa mga Senador ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Usec. Bernadette Romulo-Puyat bilang bagong kalihim ng Dept. of Tourism kapalit ng nagbitiw na si Secretary Wanda Teo.

Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, excellent choice si Romulo-Puyat dahil matalino at malinis ang record nito sa gobyerno.

Sabi naman ni Senator Juan Miguel Zubiri, matagal na niyang kakilala si Romulo-Puyat at kayang niyang garantiyahan ang mabuting karakter nito at integridad sa larangan ng serbisyo-Publiko.


Kapuri puri naman para kay Senator Grace Poe ang academic at professional credentials ni Romulo-Puyat.

Maging si oposisyon Senator Bam Aquino ay bilib din sa galing at integridad ni Romulo-Puyat.

Si Committee on Tourism Chairpeson Senator Nancy Binay naman ay umaasang maisusulong ni Romulo-Puyat ang farm tourism at ecotourism para sa mapaunlad ang mga bawat bayan o mga probinsya sa bansa.

Facebook Comments