PASADO | Panukalang amyendahan ang anti-wiretapping act, pinagtibay ng Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magpapahintulot sa mga law enforcers na magsagawa ng wiretapping activities sa ilang non-national security crimes.

Kabilang sa mga non-national security crimes ay robbery in band, drug trafficking, anti-money laundering at illegal recruitment.

Sa pamamagitan ng viva voce, lusot ang House Bill 8378 na layong amyendahan ang Republic Act no. 4200 o Anti-Wiretapping Act.


Nakasaad sa panukala, pagbabawalan ang mga public telecommunications entities at iba pang kaparehas na enterprises na magtabi o magtago ng higit isang taong records ng mga voice na hindi naman sakop na anumang nakabinbing kaso.

Ang mga lalabag ay mapaparusahan ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong, multang hindi bababa sa isang milyong piso at pagbabawalan nang humawak ng posisyon o magtrabaho sa public office.

Facebook Comments