Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Rice Tariffication Bill.
Sa botong 14-0, inaprubahan ng Senado ang panukala na layong alisin ang limitasyon sa pag-aangkat ng bigas.
Ipauubaya na rin sa pribadong sektor ang importasyon kapalit ng taripa.
Una rito, idineklarang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na kapag naisabatas ay inaasahang magpapababa sa presyo ng bigas at inflation sa bansa.
Buwan ng Agosto nang maaprubahan sa kamara ang Rice Tariffication Bill sa botong 200 yes, 7 no at 2 abstain.
Facebook Comments