PASAHE | 10% fare discount sa ilalim ng TRAIN, hiniling na ipatupad na rin

Iginiit ngayon ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na ipatupad na ng gobyerno ang 10% fare discount sa mga Public Utility Vehicle (PUV) na nakapaloob sa TRAIN Law.

Ang panawagan ng kongresista ay bunsod na rin ng pag-apruba ng LTFRB sa pagtaas ng pasahe sa jeep at bus na sinabayan pa ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Herrera-Dy na dapat ipatupad ng LTFRB at ng ibang public transport regulatory agencies ang discount sa pamasahe sa ilalim ng RA 10963 nang sa gayon ay makagaan ito sa para sa mga mahihirap na kababayan lalo pa at nakaambang na naman ang taas pasahe at mataas na inflation.


Ang mga mahihirap na Pilipino na hindi sakop ng 20% discount para sa mga seniors, persons with disabilities at mga estudyante ang siyang makakatanggap ng 10% fare discount.

Dapat aniyang inihahanda na ang social benefits card sa 50% ng mga mahihirap sa bansa o katumbas ng 108 million na mga Pilipino upang maka-avail ang mga ito ng diskwento sa pamasahe sa jeepneys, bus, LRT at MRT.

Facebook Comments