Manila, Philippines – Malabong mapagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang hirit na P12 minimum na pamahase sa pampasaherong jeep.
Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, magdudulot ito ng domino effect sa ibang transportasyon dahil kailangan ring itaas ang pamasahe sa mga ito.
Pero ang naunang petisyon ng mga operator at driver na gawing P10 ang pamasahe sa jeep ay posibleng desisyunan na nila sa susunod na linggo.
Tiniyak naman ni Lizada na sinusubok rin nilang mabalanse ang sitwasyon o mabawasan ang dinadaig ng mga tsuper dahil sa pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
Facebook Comments