PASAHE | Mga estudyanteng kumukuha ng masteral at graduate studies, pinabibigyan ng student fare discount

Manila, Philippines – Itinutulak ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang pag-institutionalized at pagpapalawak pa ng student fare discount.

Hinihiling ni Batocabe ang pagbibigay ng 15% fare discount sa mga estudyanteng kumukuha ng graduate studies at masteral studies.

Sakop ng 15% diskwento sa pamasahe ng mga graduate students ang pamasahe sa taxi, bus, jeepneys at iba pang public land transportation.


Giit ni Batocabe, dapat na itigil ang pamimili sa pagbibigay ng discount sa mga mag-aaral dahil wala namang pinagkaiba ito sa mga estudyanteng kumukuha ng post-graduate studies.

Hindi aniya tama na ipagkait sa mga kumukuha ng masteral o post-graduate studies ang discount sa pamasahe dahil kailangan din nila ito.

Facebook Comments