Pasahe sa eroplano inaasahang bumaba

Good news!

Inaasahang bababa ang pamasahe sa eroplano ngayong buwan.

Ito ay matapos ibaba ng Civil Aeronautics Board o CAB ang ipinapataw nilang fuel surcharge.


Sumadsad kasi ang presyo ng jet fuel noong Oktube at Nobyembre sa halos P30 kada litro.

Dahil dito, magiging P74 hanggang P300 na lang ang surcharge sa domestic flight mula sa dating P108 hanggang P411.

Nasa P381 naman hanggang higit P3,600 ang surcharge sa international flight mula sa dating P543 hanggang higit P5,000.

Facebook Comments