
Bababa muli ang singil sa passenger and cargo fuel surcharge.
Ito ay kasunod ng anunsiyo ng Civil Aeronautics Board kung saan muling ibabalik sa Level 4, ang fuel surcharge rate epektibo ngayong Abril.
Sa ilalim ng Level 4 rate ay pinapayagan ang mga airline company na maningil ng fuel surcharge na mas mababa na.
P117 hanggang P342 para sa domestic flights at halos ₱385.70 hanggang higit ₱2,800 naman para sa international flights
Ngayong Marso ay itinaas sa Level 5 ang fuel surcharge rate mula sa Level 4 sa nakalipas na limang buwan.
Facebook Comments