Manila, Philippines – Tiniyak ng LTFRB na hindi maaapektuhan ang pamasahe sa jeep sakaling maipatupad na ang Jeepney Modernization Program.
Sa harap ito ng pangambang baka tumaas hanggang 20 pesos ang pasahe dahil sa jeepney phaseout.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra – sakali mang magkaroon ng dagdag pasahe, hindi ito aabot sa 15 pesos batay na rin sa isinagawang pag-aaral ng transportation department.
Hanggang bukas pa tatagal ang nationwide transport strike ng grupong PISTON na nilahukan din kanina ng grupong Kadamay, Migrante, League of Filipino Students at Kilusang Mayo Uno.
Tinawag namang dagdag pahirap ng grupong Gabriela ang alok na jeepney modernization ng gobyerno na balak maipatupad sa susunod na taon.
Nagkakahalaga kasi ng P800,000 hangang P1.2 million ang bawat isang E-Jeep na hindi kayang bilhin ng mga ordinaryong driver at operator.