Hindi tataas ang pasahe sa Light Rail Transit o LRT-1 kasunod nag pagsisimula ng Line 1 Cavite Extension project ngayong Nobyembre.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na magiging 45 pesos ang pasahe sa buong stretch ng phase 1 dahil sa dagdag na limang istasyon.
Pero ang pasahe mula Fernando Poe Jr., Station hanggang Baclaran o vice versa ay mananatili sa 35 pesos.
Ayon naman kay Light Rail Manila Corporation President at CEO Enrico Benepayo, 4 minutes pa rin ang interval ng bawat tren, pero oras na humaba ang pila ay kaya nilang ibaba sa 2.5 minutes ang interval para matugunan ang dami ng pasahero.
Samantala, hindi pa masabi sa ngayon ng LMRC kung mag aalok sila ng libreng sakay sa pagbubukas ng LRT-1 Extension project.
Nakatutok aniya sila ngayon sa ligtas at mabilis na biyahe ng mga pasahero.