
Aabot sa ₱55 ang pamasahe sa Light Rail Transit o LRT-1 simula sa April 2.
Ang dating ₱45 na pamasahe mula sa dulong istasyon na Dr. Santos Avenue sa Parañaque hanggang sa dulong istasyon na Fernando Poe Jr., sa Quezon City ay magiging ₱55 na.
Ang dating ₱15 na minimum fare ay magiging ₱20 na.
Ito ay ayon sa inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare matrix ng LRT-1.
Sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang nangangasiwa sa LRT Line 1 na simula nung 2015 ay isang beses pa lamang nagtaas ng pamasahe ang LRT-1.
Apat na beses humiling ang LRMC para sa fare adjustment at ang lahat ay hindi napagbigyan.
Facebook Comments