pasahero na may dalang malaking halaga ng pera, naharang sa NAIA Terminal 3

Naharang ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang lalaki na paalis sana ng bansa at patungong Hong Kong.

Ito’y matapos matuklasan sa final security check point ang hindi idineklarang bundle ng cash na mahigit P1,000,000 at foreign currency.

Nakita sa luggage ng pasahero ang nasabing cash kung kaya isinagawa ang manual inspection at tumambad ang perang aabot sa P1.2 million at 580,000 US dollars.

Samantala, nasa kustodiya na ng Bureau of Customs (BOC) ang nakumpiskang pera para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments