Pasahero na may dalang milyon-milyong salapi, nasabat ng Phil. Coastguard

Manila, Philippines – Natimbog ng mga tauhan ng Coast Guard Station Zamboanga ang isang pasahero ng M/V Lady Mary Joy 3 matapos ma-diskubre na naglalaman ng milyon milyong piso ang kanyang kargamento.

Sa report na nakarating kay PCG OIC Rear Admiral Joel Garcia, ang pasehero na si Isnaji Sajail, 57 anyos na mula sa Parang, Jolo ay sasampa na sana ng barko na patungong Malaysia, ngunit kaagad siyang pinigil ng mga tauhan ng Coast Guard.

Ito ay matapos mapansin nakatalagang terminal x-ray technician na mukhang kahina-hinala ang isang kahon na dala ng naturang pasahero.


Ayon kay CMDR Atmand Balilo , tagapagsalita ng PCG , nakipag ugnayan ang PCG sa Bureau of Customs matapos makumpirma ang laman ng kargamento.

Isinagawa ang pagbibilang ng pera kasama ang mga kinatawan ng PPA Police at lokal na media.

Umabot sa mahigit walong milyon ang naitala ng mga otoridad.

Ang pasahero ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PCG at isinasalang sa kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments