
Naharang ng Customs – NAIA mula sa isang pasahero ang 8.197 kilograms ng suspected cocaine sa NAIA 3.
Ayon sa Customs, ang naturang droga ay nagkakahalaga ng 43.4-million pesos.
Ito ay dala ng isang pasaherong Pilipino na dumating sa bansa mula Doha, Qatar at may connecting flight mula Brazil.
Ang suspected cocaine ay isinilid sa baggage compartments at linings.
Natuklasan ito ng mga otoridad nang idaan ito sa 100 percent physical examination makaraang makita sa X-ray screening ang kahina-hinalang image.
Ang pasahero ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.
Facebook Comments










